Siguro mas mga magandang tagalog version ko gawin to…
Nung May pa pala nang huli akong sumulat ng blog, na umani ng mga comments. Salamat para don dahil nalaman ko na may nagbabasa pala ng sinusulat ko. Kailangan lang medyo may pagka kontrobersyal para may magrereact, hehe…
Tatlong buwan na rin ang nakakaraan mula nang kami ay grumadweyt sa kolehiyo… bagong buhay. Wala ng aral-aral… walang quiz, walang assignments at projects… walang pressure… nakakamiss talaga… nakakamiss ang buhay estudyante…
Kahapon… napadaan ako sa may city hall ng Maynila. Lugar na minsan din naming tinambayan, kahit na malayo ang university namin don… nakakainggit ang mga studyanteng nakatambay… tawanan, kulitan, yung iba nagaaral… ang saya nila tignan. Kahit alam kong may ilan sa kanila na kinaiinisan at kinatatamaran na ang pagpasok.
Sobrang nakakamiss talaga…
Kaya nga ilan lang masasabi ko sa mga kasalukuyang nag-aaral pa lang… bibihira ang pagkakataong mabigyan tayo ng tsansa na makapag-aral. May ilang bata na salat sa buhay na naghahangad nito pero hindi nila magawa dahil sa kakulangan sa pera. Pera na sapat lang para makatawid sa gutom.
Nakakalungkot isipin na kokonti lang ang nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral dahil sa hikahos na dinaranas ng bansa. Ang mga bata na syang inaasahang magtataguyod sa Pilipinas ay nawawalan na ng pag-asang makatungtong pa sa kolehiyo o kahit hayskul man lang…
May napanood nga akong isang documentary. Ang mga bata, sa murang edad pa lang ay nagtatrabaho na…nakakaawa sila. Sa halip na mag-aral, andun sila at nagtratrabaho na parang matanda.
Sinong magsasabing hindi na natin kailangan pang mag-aral dahil wala na din naming pag-asa? Sinong magsasabing diskarte at tyaga lang ang kailangan at hindi kailangang nakapagtapos ka ng isang kurso o dapat kang maging propesyunal para makahanap ng trabaho?
OO. siguro nga tama ka sipag, tyaga, diskarte. Pero kinakailangan mo din ng kaalaman. Mahalaga na marunong kang magsulat at magbasa. Mahalaga na marunong kang mag-isip.
Habang naghahanap ako ng trabaho at nag-eexam para matanggap, nalaman ko ang halaga na may alam ka. Pano kung hindi ako nag-aral? Masasagot ko kaya ang mga exam na yun? Maiintindihan ko kaya ang ingles na tanong ng nagiinterview? May laban ba ko sa ibang aplikante na literado?
Sobrang mahalaga na nag-aral ka. Na may alam ka. Kaya kung ikaw ang nabigyan ng ganitong oportunidad, hindi mo dapat ito sayangin o aksayahin. Tandaan mong marami ang naghahangad nito. Hindi lang isa o dalawa ang hindi pinalad na makapag-aral. Milyon sila. At hindi ko, o mo alam kung anong naghihintay sa kinabukasan nila…
Ito ang nakakalungkot na realidad.