Thursday, July 5, 2007

not this time...

"siguro nga ito ang unang sulat dito na tatagalugin ko...
ngunit ito ay may dahilan...
may malalim na kahulugan..."

minsan iniisip mong wala na ang lahat. marami kang ginagawa. aral. praktis. sulat. wala ka ng oras para isipin pa ang mga bagay-bagay... ngunit sa kabila nito, may mga pagkakataon pa rin na kung saan hindi mo maiiwasang mag-isip. hindi lang ng mga tungkol sa paaralan. ngunit sa iba pang dimensyon ng iyong buhay. sa kailaliman ng iyong puso...

kagabi....

oo nga... kagabi, kung saan ang isipan ko'y binalot ng mga alaala. ang utak ay punung-puno ng tanong. mga katanungan na kahit saang lupalop ng mundo mo hanapin ay hindi mo malalaman ang sagot... pagod man ang katawan sa maghapong pagsayaw, ngunit mas lalong napapagod ang puso at utak na ginugulo lamang ng isang pangalan...

hindi sapat na gawin ang lahat ng maaring gawin para hindi sya maalala. ngunit sa aking paghiga, ang mga matang ito'y di maipikit kahit pa pilitin. ang utak ay lumilipad sa lugar kung saan siyay naroon. nag-iisip. naluluha. ngunit walang magawa.

"bakit kung kailan nakakalimutan mong isipin ang isang tao, saka naman sya magbabalik sa buhay mo?"

nakakapagod. ngunit bakit ganon? alam mo ng nasasaktan ka, pero tuloy ka pa rin? dahil ba dun ka masaya? kahit alam mong ni minsan ay di nya pinaramdam na mahalaga ka?

sa simpleng salita napapangiti ka? ngunit sapat na ba ito para magpatuloy ka?

kung maaari lang humiling na sana'y bumilis ang panahon para malaman kung anong mangyayari sa hinaharap...
kung maaari ko lang sanang mabasa kung ano ang iniisip nya...
kung maaari lang sanang sabihin sa kanya...
kung maaari lang sanang mangyari ang lahat ng ito...